‘Litrato’ By golden_min

Litrato

“Tin!” napatigil ako sa paglalakad ng may biglang tumawag sakin kaya tumalikod ako para alamin kung sino yon.

“Ivan?” kunot noong tanong ko sa sarili ko.

Si Ivan ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan simula nuong grade 5 pa kami, lagi siyang andiyan para sa akin para samahan ako sa mga trip ko haha.

Pero simula nung mag-high school kami ay naghiwalay kami dahil kailangan nilang pumunta sa states para duon ipagpatuloy yung pag-aaral ni Ivan at saka taga-duon din kasi yung parents niya.

Nakangiti siyang tumakbo papalapit sa akin habang may bitbit na maliit na album? Oo album.

Sa totoo lang sa tagal ng pagsasama namin bilang magkaibigan, hindi lang kaibigan ang tingin ko sa kaniya.

Simula high school hanggang sa mag-college ako siya pa rin laman ng puso ko. Kahit may mga nangliligaw sa akin, no ako sa kanila dahil umaasa ako na balang araw ay magkakagusto din sa akin si Ivan.

Hindi alam ni Ivan na gusto ko siya at siguro ito na rin ang tamang oras para sabihin ko sa kaniya ang tunay kong nararamdaman.

Masyado kasing pa-fall ‘tong si Ivan eh! Bwiset hahaha.

“Musta na?” nakangiting tanong niya sa akin. At eto na naman yung puso kong naghahabulan haha.

“Okay naman. Ikaw musta na?” tanong ko sa kaniya pabalik.

“Ayos lang din naman.” sagot niya.

“Tagal nating di nagkita panget ah.” nakangiti pa ding sabi ko sa harapan niya.

‘Panget’ yung tawagan naming dalawa haha share ko lang.

Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko kaya nawala yung matamis na ngiti sa labi ko.

“Natatandaan mo pa pala yun?” tanong niya at napangiti naman ako ng makita kong napapangiti din siya.

“Oo naman.”

Inaya niya akong pumuntang 7/11 na katapat lang ng campus namin kaya wala pang isang oras ay nakarating na kami.

Nagtaka ako kasi bumili siya ng mga pagkain at inumin kaya kung ano-ano tuloy yung pumapasok sa isip ko na baka may girlfriend na’tong si Ivan.

Wala naman siguro.

Sana.

Nang dahil sa pagtataka nagtanong na ako kung para saan ba yung mga pinagbibili niya. “Para saan ba lahat ng yan?” tanong ko sa kaniya.

May kung anong kislap ang sumilay sa mga mata niya.

“May– ah– may ipapakilala ako sayo.” kabadong sagot niya at duon na mas bumilis ang tibok ng puso ko.

Tama ka tin. May girlfriend na siya.

Kaya tama na.

Masasaktan ka lang.

Ay, nasasaktan na pala ako. Haha.

“G-girlfriend mo?” nauutal kong tanong at tumango naman siya bilang sagot.

Aray.

Nagkagusto ako sa maling tao.

Nang naramdaman kong nag-iinit na yung sulok ng mga mata ko ay pilit akong ngumiti sa kaniya kahit ang hirap-hirap na.

“Anong pangalan niya?” tanong ko at nakita ng dalawang mata ko na namumula siya dahil sa kilig.

“Ka-bakla mo naman masyado haha.” sabi ko at napakamot na lang siya sa ulo niya.

“Althea Jorryn.” nakangiting sagot niya.

Dahil nararamdaman kong malapit ng magsipagbagsakan yung mga luha ko ay kumuha ako ng isang tsitsirya at saka ko yon kinain.

Yun lang ang naisip kong paraan para mapigil ang pag-iyak ko.

“Hindi pa ba siya darating?” tanong ko.

Gusto ko ng matapos ‘to.

“On the way na daw siya.”

Habang parehas kaming tahimik sa isa’t-isa ay saka ko pinagmasdan yung album na kanina pa niya hawak-hawak na para bang ayaw niyang mawala.

Paniguradong mga litrato nila ni Althea yun ng magkasama.

Tama na nga tin mas sinasaktan mo lang ang sarili mo eh hahaha.

“Love!” napatingin kaming sabay ni Ivan sa babaeng papalapit sa gawi namin at paniguradong si Althea Jorryn iyon.

Maganda siya, di tulad ko na parang pinulot lang sa kung saan-saan.

Tumayo naman si Ivan para salubungin ang kaniyang girlfriend.

Habang hindi pa sila nakakaupo sa upuan ay inihanda ko na ang isang matamis na ngiti para sa kaniya.

“Althea si Tin. Tin si Althea.”

Nakipagkamay ako sa girlfriend ng kaibigan ko at binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

“Gano na kayo katagal?” nakangiti pa ding tanong ko saka ako sumipsip sa gulp ko.

“Isang taon na.” nakangiting sagot ni Althea.

Wala na talaga akong pag-asa.

Kaya huwag ka ng aasa pa ulit tin ah.

Masakit lang haha.

“Paano naman kayo nagkakilala?” tanong ko ulit.

“Dito din sa 7/11.”

Nagtuloy-tuloy lang yung masasayang pagkukwentuhan namin samantalang ako naman ay pinipilit na lang na maging masaya sa harapan nila.

Napatigil kami sa paguusap ng biglang nagring yung phone ni Ivan kaya tumayo siya at lumabas para makipag-usap.

“Ah.. Althea.” tawag ko sa kaniya at nag-angat naman siya ng tingin sa akin ng may ngiti parin sa kaniyang labi.

Isa sa mga dahilan kung bakit nahulog si Ivan sa kaniya. Ang kaniyang ngiti.

“Ano yun?” tanong niya.

“Anong klaseng boyfriend ba si Ivan?”

Napangiti naman siya saka siya sumilip sa labas.

“He’s a sweet, loving and caring person. He’s the type of boyfriend na lagi kang tatanungin kung kumain kana.” bahagya pa siyang natawa ng dahil sa sinabi niya.

Isa yan sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sa kaniya.

“He likes to hold my hand and kiss its back. Kinikilig ako sa tuwing ginagawa niya ‘yon haha.”

Napangiti na lang ako. Kahit ang sakit-sakit na.

“And, Ivan doesn’t want to buy me expensive stuffs like that— he just want that is simple.”

Tama siya, ayaw ni Ivan ng binibilhan niya ang isang taong puro mamahalin. Ang gusto niya ay yung simple lang.

Ilang oras pa kaming nag-usap at nanatili sa loob ng 7/11 bago ko napagdesisyonan na umuwi na.

Dahil kanina ko pa pinipigil ‘tong nararamdaman ko at gusto ko ng ilabas lahat.

Lumabas ako ng 7/11 at huminga ng malalim.

I was about to take my first step but someone called my name.

It’s Ivan. My friend. No scratch that. Ivan, my pa-fall friend hahaha.

I looked at him.

“Bakit mo ako tinawag?” tanong ko.

“I– I just want to give you this.” sabi niya sabay abot ng album na hawak niya.

Kinuha ko yon at binuksan. Halos hindi ko na mapigilan ang sarili komg hindi umiyak sa harapan niya. And I hate it.

He hugged me. But still, my tears from.my eyes can’t stop falling.

It’s our pictures together since from the start.

I wonder why he gave this to me?

I calm myself first and look up at him.

“Bakit mo sakin binibigay ‘to?”

He smiled preciously to me.

Damn, I’m nervous.

“I’m giving this to you because even though I can’t even remember you, you have still our memories together.”

What??

“I don’t understand—”

I was about to finish my words but he interrupted me.

“Lahat ng signs nakita ko na sakin. And this is the right time for you to know.”

“Na-diagnose ako ng alzheimer’s disease.”

His words shocked me.

I hugged him tight.

It can’t be.

—-

After 3 years…

I’m here in the cemetery visiting the love of my life. No scratch that. I’m now visiting my husband and the angel inside my tummy.

After he told me that he has that kind of disease, I told him on that day that I was deeply inlove with him.

And

He’s feeling the same way.

That Althea Jorryn is his doctor, not his girlfriend. He just used Althea to hurt me.

He told me to marry him, before it’s too late. And I did not hesitate to say YES when he’s kneeling in front of me and asking “Will you marry me Christine Isabella Pineda?”

I’m now officially his wife and not his friend anymore.

I will treasure all the memories that we made together.

Pero…

Ilang linggo pagkatapos ng aming kasal ay…

May hindi magandang nangyari sa asawa ko…

Nakalimutan na niya ako…

Hindi lang alzheimer’s meron ang asawa ko, meron din siyang liver cancer

Pati ang mga masasayang ala-ala naming dalawa ay…

Nakalimutan na niya.

Pero bago ang lahat ng iyon ay may sinabi siya sa akin na hindig-hindi ko makakalimutan.

“Makakalimutan ko man ang iyong pangalan, lahat ng ating mga masasayang ala-ala pero lagi momg tandaan na hinding-hindi ka mawawala sa puso ko. Lilisanin ko man ang mundong ito, pero ang pagmamahal ko sayo ay hindi magbabago.”

I touches his grave.

“Masaya akong naging parte ka ng buhay ko. At ngayong magkakaroon na tayo ng sarili nating anak ipinapangako ko na mamahalin ko siya gaya ng pagmamahal na ibinibigay mo sa akin.

Binuksan ko yung album na binigay niya sa akin at isa-isa ko iyong pinagmasdan ng may ngiti sa labi. At nung nasa bandang likuran na ako ng album ay napaluha na naman ako ng mabasa ko ang nakasulat duon.

‘Memories with the most beautiful person here in this world.’

‘Will love her until to my last breath.’

Ginawa niya nga.

— Nicole Writes.

Vote for this Short Story

  • *One Vote per person - duplicate and suspect votes will be deleted

Voting Status

Countdown to 500

492

votes remaining

  • 25 Votes – Detailed editorial feedback from curator
  • 50 Votes – Publishing contract offer
  • 300 Votes – More additional benefits*
  • 500 Votes – A boatload of benefits*

*More than 50 votes are not needed, but are encouraged, and will earn you additional benefits

MENU

Something or Other Publishing, LLC