‘crush’ By Under_Conscious

Crush

“Kristine”

napatigil ako sa paglalakad ng biglang may pamilyar na boses na tumawag saaking pangalan. Halos kumabog ng mabilis ang puso ko. Boses palang niya nangingisay na ako pano nalang kaya kapag kaharap kona.

Kinakabahan akong humarap sakanya.

“M-may kailangan ka?”  utal na mahinhin kong sabi. Lumunok pa ako para mabawas-bawasan din yung kaba ko.

“May sasabihin ako sayo, wag kang magugulat ha?” seryoso niyang usal. Ano naman kaya ang sasabihin niya? Kinakabahan tuloy ako

“Ano?”

“Kristine, crush kita” seryoso niyang usal.

Jusko! Kung nananaginip lang ako wag sana akong gisingin ni nanay.

“h-huh?”  tanging usal ko nalang. Narinig ko naman eh pero gusto kolang talaga na ulitin niya yung sinabi niya..  Jusko, mabuti nalang bitbit ko ang mga libro para dito konalang ilabas ang kilig ko.

“Sinabi kong Crush kita pero huh lang yung sagot mo sakin” lungkot niyang usal..  Ang cute niya. Ramdam ko yung pag init ng magkabilang pisngi ko at mas lalo nayung kilig sa buong katawan.

“Parang tanga to” kunwari inis kong usal pero sa kaloob-looban ko ay  para na akong sasabog sa kilig.

“Oo tanga pakinggan pero yun ang nararamdaman ko eh, wala na tayong magagawa” seryoso niyang usal habang nakatingin saaking mga mata. Ako namang mukhang uod na nangingisay na ay pilit na tinitigan din ang kanyang mata.

“Ewan ko sayo jan kana nga” kunwari inis kong usal sabay talikod sakanya para umalis na.

Jusko, ang tanga ko talaga minsan nga niya lang ako kausapin aalis pa ako. Sana pigilan niya ako. Please lang pigilan mo ako kristoff.  Hay minsan na nga lang dumating yung swerte sa buhay ko. Napabuntong hininga nalang ako at akma na sanang hahakbang kaso

“Ito naman oh, may sasabihin pa nga yung tao”    pumikit pa ako dahil sa kilig,  umaayon talaga sakin ang tadhana. Humarap ako sakanya at pinilit kong poker face lang yung ipinapakita ko sakanya na reaksyon.

“Ano ba kristoff, tigilan mo nga ako”

“basta ha? Wag mong kakalimutan na crush kita” seryoso niyang usal. Hindi kona mapigilan ang aking sarili na mapangiti nalang sa kanyang harapan.

“Oi, napaniwala ko siya. Joke lang yun” nakakaloko niyang usal sabay halakhak ng tawa. Yung malawak na ngiti ko kanina ay bigla nalamang naglaho dahil sa badshot.

Bwesit tong loko-loko natu! Kung dati ay 100% ko siyang crush , ngayon  ay 80% nalang.

“Ewan ko sayong unggoy ka, lubayan mo nga ako”  inis na usal ko sabay walk out.

Bwesit na araw! Akala kopanaman totoo yun.

…………………………………………………………

“Kristine”

Napatigil nanaman ako sa paglalakad at inis na kunwaring humarap sakanya. Kahit na ininis niya ako kahapon ay okay lang naman sakin dahil pinakilig niya naman ako.

“Oh ano ? Crush mo nanaman ako?” inis kong usal sakanya.

“Wag kanang magalit, sorry na. Dina yun mauulit. Sige na peace na tayo” seryoso niyang usal sakin. Napangiti naman ako sa kaloob looban ko. Marunong din pala tong manuyo eh. 100% kona siyang crush.

“sige na nga” kunwari inis kong usal pero deep inside kinikilig na talaga ako.

“Pasensiya kana kahapon ah? Pero seryoso, crush talaga kita walang halong biro” seryoso niyang usal

“Yan nanaman kristoff, habbit moba talagang bwesitin ako ha?” inis kong usal sakanya pero siya ay seryoso padin.

“Hindi, Seryoso nga. Naunahan lang talaga ako ng takot kaya sinabi kong joke lang”

“Talaga?” paninigurado ko sakanya. Baka kasing niloloko nanaman ako nito eh. Tumango naman siya

“Oo nga, walang halong biro” seryoso niyang usal sakin. Napangiti nanaman ako.

“Sure? As in yung sigurado ka?”

“Oo, sure na sure. Alam mo yung tipong sure na sure na talaga ako sa mga biro ko. Joke lang yun” nawala bigla yung ngiti ko sa labi at napalitan nanaman ito ng inis ng bigla nanaman siyang tumawa ng malakas dahilan ng pagtingin ng ibang mga estudyante na dumadaan dito sa hallway. Hmp! 70% kona siyang crush.

“HA HA HA. Tatawanan ko yung joke mo ah? Baka kasi akalain mong KJ ako. Unggoy!” sarkasto kong usal sabay walk out nanaman. Bwesit!

…………………………………………………………

“Kristine”

Napatigil naman ako sa pagbabasa ng libro ng marinig ko ang malambing na boses na galing nanaman sa unggoy. Inis kong itiniklop ang libro at wala akong reaksyon na tumingin sakanya. Mabuti nalang lunch time ngayon dahilan ng walang gaanong tao dito sa classroom at wala ring nga classmate na tutukso samin.

“Pwede ba, tigilan mona nga ang pang-aasar sakin, hindi na nakakatuwa” inis na usal ko sakanya. Ito nanaman yung seryoso niyang reaksyon.

“Gusto ko lang namang kaibiganin ka at gusto ko lang ng may makausap. Masama ba yun?”   seryoso pa niyang usal. Aba ang tindi din nito eh, gusto niya palang may makausap eh bat ako pa yung kinukulit niya? May kaibigan naman ang unggoy natu

“Oo masama! Lammo? Ikaw lang yung taong kilala ko na naghahanap ng kaibigan para asarin mo araw-araw noh?!” inis kong usal.

“Chill lang, highblood? Sige na sorry na.”

Hindi nalang ako umimik at ipinagpatuloy konalang ang pagbabasa ng libro. Ramdam kona hindi parin siya umaalis sa harapan ko. Tsk! Bahala siya jan. Aasarin nanaman ako nito eh. Suyuin niya sana ako para hindi na ako galit sakanya. Aysus! Assumerang palaka naman si ako.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Kristoff. ” Oh!” rinig kong usal niya. Itiniklop ko ang libro at kunot noo na tumingin sa inilahad niya sakin.

“Ano yan?”

“Bracelet yan. Anong klaseng tao ka? Bracelet hindi mo alam”  biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Nang iinis nanaman tong unggoy natu!

“Alam kong bracelet yan unggoy! Para san bayan ha?!” galit na naiinis kong usal sakanya pero siya ay seryoso parin.

“Para sayo yan, dali na tanggapin mona, nangangalay na yung kamay ko” mahinahon niyang sabi. Tinignan kopa yung bracelet. Maya maya lang ay tinanggap ko naman ito. Kita ko yung pag ngiti niya nung tinanggap ko ang bracelet. Nagdududa akong tumingin sakanya.

“Joke nanaman to? Tapos kukunin mo ulit tong bracelet? Ano!?” paninigurado ko. Umiling naman siya.
“Itago mo yan ha? Sige alis muna ako” seryoso niyang usal sabay alis bagay na pinagtataka ko. Himala yata hindi ako inasar ng unggoy!

Nakakapanibago lang.

…………………………………………………………

Kung dati ay may unggoy na nang aasar sakin sa tuwing dumadating ako saaming classroom ngayon ay parang nakakabago lang dahil walang unggoy na sumalubong sakin. Parang ang lungkot lang sa pakiramdam .

“Dave? Nakita mo si kristoff?” tanong ko sa kaibigan ni kristoff. Biglang lumitaw ang nakakalokong ngiti sakanyang labi lalo na yung mata niyang sarap tusukin dahil sa pagtingin niya sakin na nakakaloko

“Oi, hinahanap niya si kristoff” tukso pa niya.  Pilit kong pinipigilan ang aking ngiti baka kasi tutuksuhin pa ako nito lalo

“H-hindi. May itatanong lang sana ako. Sige ” hindi kona siya pinasalita pa dahil dali dali na akong bumalik saaking upuan. Tumingin ako sa pintuan nagbabasakali na dumating si kristoff pero wala naman.

Wala ang Adviser namin dahil may inasikaso daw kaya ang resulta ang nasa harapan namin ngayon ay isang ST(student teacher). May ipinapagawa siya samin isang activity daw para hindi daw boring ang klase.

“Okay class, may gagawin tayong activity. Alam kong maraming mag eenjoy rito.” masiglang usal ng ST namin.

Inexplain lahat ng ST namin kung anong klaseng Activity ang gagawin namin. Message molang pala sa taong hinahangaan mo o mahal mo.

“Sinong gustong mauna?” tanong ng St. Nilibot ko ang aking paningin sa buong classroom kung may nagtaas ba ng kamay pero wala naman.

Maya maya lang ay itinaas ko ang aking kanan kamay tutal wala naman dito si kristoff so okay lang na bigyan ko siya ng message na hindi mahahalata ng mga kaklase namin.

“anong pangalan mo?” tanong ng St ng makalapit na ako sa kanyang kinatatayuan.

“Kristine po”

Senenyasan niya akong magsimula na. Humugot ako ng malalim na hininga bago mag salita. ” ahh, May gusto ako sa taong hindi ko alam kung may gusto rin ba saakin. Palagi niya akong akong kinukulit at sinasabihan na crush niya daw ako. Kung alam niya lang na halos atakihin ako sa puso sa tuwing sinasabihan niya ako na may gusto din siya sakin pero hindi niya alam na nasasaktan ako sa tuwing dinudugtungan niya na Joke lang pala.” Lumunok pa ako ng pangalawang beses para mawala naman yung kaba ko. ” Sana wag monalang gawin ang isang bagay na magbibigay saakin ng pag asa na magdudulot pala sakin ng sakit……..Yun lang.”

Dali dali akong naglakad papunta saaking kinauupuan. Grabe! Kinabahan ako dun ah.

“Sinong susunod?” tanong ng St.

Nanatili lang akong nakayuko dahil sa nahihiya ako sa ginawa ko. ” Hoy, okay kalang?” tanong sakin ni Yanie na pinakaclose ko dito sa classroom.

Tumango nalang ako bilang sagot habang nanatili parin sa pagyuko.

“Okay, anong pangalan mo?” rinig kong usal ng st

“Kristoff”

Napaangat ako saaking ulo dahil sa kaba. Halos lumuwa ang aking mata sa gulat. Napatingin ako kay Yanie nasa ngayon ay ang laki nanang ngisi. “K-kanina na~~”

“Oo, sakto lang yung dating niya. Nung pagsalita mo sa harapan ay siya ring pagdating ni kristoff” ngising usal ni yanie. Napapikit nalang ako sa hiya at kaba. Jusko!

Halos mangalay nayung leeg ko dahil sa kakayuko ko dito.

“May gusto din ako. Nung una ko siyang nakita ay tila iba na yung pakiramdam ko parang ang gaan ng loob ko sakanya yung pakiramdam na komportable kana agad” napatigil nalang sa pagkwekwento si kristoff dahil sumabat ang mga kaklase naming may sira na.

“Aysus! Baka kapatid mo yan pre? Luksong dugo lang yang nararamdaman mo” rinig kong usal ni Ronie na kaibigan ni Kristoff. Rinig kopa yung pagtawa ng mga kaklase namin at iba pang mga side comment.

“Boys! Tahimik!” sigaw ng st dahilan ng tumahimik sila.

Maya maya lang ay ipinagpatuloy nani kristoff ang pagkwekwento ” Siguro isa narin ang ugali niya ang dahilan kong bakit ko siya nagustuhan. Yung pagiging seryoso niya sa lahat ng mga activities, research at project. Palagi kolang siyang nakikitang mag isa habang nagbabasa ng libro.”

“Oy! ALAM KO YAN!” sigaw nanaman ni Ronnie. Naghalakhakan nanaman ng tawa ang mga kaklase namin.

“BOYS! Last warning natu!” giit na sabi ng St. Tumahimik naman sila agad.

Halos mangiyak na ako dito dahil sa pag iisip kung sino ang maswerteng babaeng iyon.

“Binigyan kopa nga siya ng isang bagay napinaghirapan ko. Kung alam niya lang na halos wala akong tulog para lang magawa yung bracelet” napaangat nanaman ako ng ulo sabay deritso tingin kay kristoff nasa ngayon ay nakatingin din pala sakin.

“eherm!” rinig kong usal ni Yanie pero nanatili parin akong nakatingin kay kristoff.

“Kristine, totoo yun lahat. Crush kita kristine” seryosong usal ni kristoff sabay nun ang hiyawan at sigawan ng aming nga kaklase.

Napangiti ako dahil ako yung babaeng tinutukoy niya.

humalakhak siya ng tawa sabay sabi “JOKE LANG!”

Napawi bigla ang aking ngiti sabay nun ang pagtahimik bigla ng aming mga kaklase.

“kasi MAHAL na pala kita”

The end

Vote for this Short Story

  • *One Vote per person - duplicate and suspect votes will be deleted
  • Your vote authorizes SOOP to inform you about the progress of this literary work, along with exclusive content and services for your consideration.

Voting Status

Countdown to 500

500

votes remaining

  • 25 Votes – Author Platform review
  • 50 Votes – Submit manuscript / Sample contract upon acceptance
  • 75 Votes – Formal contract offer
  • 100 Votes – Provisional acceptance into book
  • 200 Votes – Additional benefits*
  • 300 Votes – More additional benefits*
  • 400 Votes – Even more additional benefit*
  • 500 Votes – A boatload of benefits*

*More than 100 votes are not needed, but are encouraged, and will earn you additional benefits

MENU

Something or Other Publishing, LLC